HAVEY:  First shooting day ngayon ng Ang Da­lawang Mrs. Reyes ng Teleserye Queen Judy­ Ann Santos kasama ni Angelica Panganiban.

This is a three-way co-production ng Star Cinema, Quantum Films at Idea First to be direc­ted by Jun Lana.

Maganda ang resulta ng unang pinagsamahan nina Juday at Jun na pro­ject sa Regal na Kulam na box-office hit na, Ra­ted A pa.

Ngayon, exciting ang pagsasama ng dalawang aktres na lumaki in front of us. Parehong maga­ling sa drama at comedy.­ Kaya tiyak na aaba­ngan iyan!

Ang tanong, sino na ang magiging ka-partner nila sa pelikulang ito?

Alam ko itong kuwentong ito mula kina Elmer Gatchalian at Jun Lana at una naming napag-usapan ay puwedeng sina Piolo Pascual at Dennis Trillo ang swak na gumanap dito.

Muntik na ring sina Sam Milby at Zanjoe Marudo at si Tom Rodriguez na sana na nag-back out din daw.

Hayaan nating sila ang mag-announce kung sino ang mga leading men na may maganda at masayang millennial twist na magaganap.

Basta heto ang clue, yung dalawang lalaki ay pareho nang nakasama ni Juday sa pelikula.

‘Yung, isa nga’y naging dahilan pa kung bakit hindi tinanggap ni Tito Alfie ang pelikulang FENG SHUI para kay Juday, kasi, hindi itong lalaking ito ang kapartner.

 WALEY: “Truth or fallacy? Those who’ve seen some of the entries are suppo­sedly in unison na uwian na raw, mga bes, may nanalo na…as the worst Cinemalaya entry of all time!?

Cue sad face in here. Long sighhh!”

Ito ang bumungad na  FB post kay Lili Marlene (aka Arnel Ramos) na nataon namang katatapos lang ng gala screening ng pelikula ni Alfred Vargas para sa Cinemalaya under Perry Escano na siyang sumulat at nagdirek ng kanyang materyal.

Nang magtanong ako sa mga nakapanood, they were asking, paano ito nakapasa sa Cinemalaya screening committee. Sabi ko, that’s a matter of taste. And that’s another matter for discussion.

Capsule review ni Lilit Reyes ng Cinema One, “ANG GURO KONG DI MARUNONG MAGBASA is a laugh trip, for the wrong reasons.”

Balita ko’y napagpayuhan na ang mabuting Congressman Alfred Vargas na maghinay-hinay muna sa paggawa ng isa pang project na sana ay ang PISONET ng pareho rin niyang direktor sa GURO na si Perry Escano na tila hindi rin nababagabag sa kanyang film debut.

Sa post ni Perry, “Think #positive and be happier!

Ang importante sa akin ngayon mahigit 1000 na tao ang natulu­ngan namin sa proyektong ginawa ko.

“Yon ang goal ko sa buhay ang tumulong sa kapwa at importante masayang masaya ako ngayon!

“Maraming salamat sa lahat na naging ba­hagi ng aming proyekto! #Happy”

Ang tanong ng mga netizens, kailangan ka bang maging direktor para makatulong sa tao?

At sana, kapag tumutulong, ‘yung the best na nating ipapakita. Hindi ba’t ikaw, Perry, ang kailangan ng tulong?