Bibida na ang chicken adobo, kare-kare at lumpia sa Orlando, Florida sa pagbubukas ng fast casual Filipino-American restaurant na “Taglish” sa Lotte Plaza Market.
Layon ng restawran na itampok ang perspektibo ng mga second generation Filipino-American.
“We didn’t want to create the greatest hits of the Philippines but rather a place that can be seen as having a strong foundation in our past with an eye on the future of the Filipino food movement,” saad ni chef Michael Collantes, isa sa mga may-ari ng restawran sa kanilang blog.
Ang Taglish (pinaghalong Tagalog at Ingles) ang unang kolaborasyon nina Collantes at restaurant owners na sina Johnny at Jimmy Tung ng Bento Group. Ito rin umano ang unang Fil-Am concept sa Orlando.
Dating Culinary Director ng Bento Group si Collantes.
“After working closely with Chef Mike for the last two years as the culinary director of the Bento Group, I am excited to see all of his creativity and passion for his Filipino heritage be put on display with Taglish. Orlando doesn’t currently have any Filipino food concepts run by Filipino Americans and I feel that Taglish will really bridge that gap,” ayon kay Johnny.
Dagdag pa ng mga may-ari, hindi talaga narerepresenta ang pagkaing Pinoy sa US kahit pa ikalawa ang Pilipino sa pinakamalaking Asian subgroup sa Amerika.
Magsisimula ang Taglish ngayong American fall season na mula Setyembre hanggang Disyembre. (Riley Cea)