SUPER character actress, imbyerna sa isang sikat na aktres dahil pinaghintay sila nang matagal sa napakalayo nilang location para sa kanilang teleserye!
Banas na banas ang lahat sa nagmamagandang actress na sikat. Na-memorize na nila ang mga linya nila.
Para may ginagawa habang waiting sila kay actress na Portugal dumating, kinunan muna ang ibang eksena na hindi ka-join ang the late actress.
Natapos na ang lahat ng pwedeng kunan, waaaah pa rin!
Tagalog Ilang Ilang Productions!
Kaya itong si character actress na feeling magaling, kinausap ang kanyang mudra na galit na galit na rin sa kahihintay. Chumika itong lalamunin niya si aktres sa eksena nila mamaya at ipapakita niya rito ang acting na pang-Eddys next year (TARAY!!!).
Handang-handa na sya at nginig na nginig na…
Gusto niyang ibaon ang sikat na aktres sa lupa at ipakita na kahit character actress lang siya, hindi siya palalamang kung aktingan ang labanan.
Eto na… dumating sa wakas si actress na feeling!
Minadali siyang bihisan at make-up-an.
Sa car pala ay na-memorize na rin pala ni the late actress ang mga linya at handa na rin siya para hindi siya pagalitan ng director at executive producer ng serye.
Blocking na… si character actress, nag-internalize nang husto. Sa isip at puso niya, ito ang pinakahihintay niyang moment.
Si the late actress, cool lang.
“ACTION!” tili ni direk.
Ang mga linya ni character actress, madiin ang pag-deliver at nanlalaki ang mga mata.
Pawis na pawis si character actress na parang mauutot na.
Ang sagot ni aktres na late, subtle lang pero may kimkim na inis (‘yun ang gusto ni direk).
Linya ulit ni character actress, may galit pa rin at namumula na ang mga mata (horror ba ‘to) nang biglang…
TOOOOOTTT!!!
Yes, nautot si character actress!
“CUT!” sigaw ni direk.
Maya-maya, sapu-sapo ni character actress ang kanyang puwitan dahil sa tindi ng galit at puwersa niya sa akting.
May jumoin na ebs!
Nagmamadaling umalis si character actress at gumora sa CR.
Sumunod ang mudra niyang may dalang tisyu at tabo.
And that’s what you called ACTING!!!
hala, si Georgia ba yan? kakaloka! hahaha…