Taguig ginawang negosyo ng pamilya Cayetano – Ethel Booba

Naaliw ang mga netizen pero marami rin ang nagbigay ng seryosong komento sa Twitter post ng sikat na komedyanteng si Ethel Booba tungkol sa pamilya ng Caye­tano sa Taguig City.

Nagsimula ito sa tweet ng isang pahayagan kung saan nakasaad na “Cayetano: Hindi po namin ibibigay ang Taguig”.

Komento ni Ethel: “Nakaregister na ata sa kanila yan as family business. Charot!”

Kasalukuyang kandidato si Taguig City Ma­yor Lani Cayetano sa 2nd congressional district ng Taguig habang tumatakbo naman sa 1st congressional district ang kanyang mister na si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano.

Kandidato naman sa pagka-alkalde ng lungsod si dating congressman Lino Cayetano, na kapatid ng dating kalihim ng DFA at Sen. Pia Cayetano.

“Isulong natin na lagyan ng TAX ang mga politiko dahil ginagawa na din naman nilang family business ang politika. Charot!” tweet pa ni Ethel.
“Tatawagin natin itong dynasty tax, …. haha” komento naman ng netizen na may user name domax.

Hirit ng isa pang netizen, lagyan umano ng 50% excise tax ang mga politiko na ginagawang negosyo ng pamilya ang politika.