Taguig nilunsad ang mas komprehensibong scholarship program

Inilunsad ng lungsod ng Taguig ang mas komprehensibo at mas ­pina-angat na scholarship program na maituturing sa buong bansa, bilang pagkilala sa importansya ng edukasyon sa mga kabataan.

Matapos ang isang special session nitong Biyernes, Feb. 28, 2020, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 6, Series of 2020 kung saan ipagpapatuloy ang mga kasalukuyang programa ng Taguig, na nagbibigay-suporta sa 55,000 scholars sa kolehiyo at 10,000 sa high school, at magdadagdag pa ng apat na bagong scholarship packages na sumusuporta naman sa mga atleta, mga estudyante sa ilang piling larangan, at sa mga public servant at kanilang mga pamilya at dependent.

Kabilang ang Advan­cing Sports’ Competi­tiveness and Excellence (ASC Excellence) Scholar­ship Program kung saan naka-focus ito sa Taguig youth athletes.

Full scholarship sa mga estudyante sa ­medisina, engineering at sa iba pang fields su­balit meron itong return ­service agreement sa siyudad.
Public servants ng lungsod. Ito ay eligible sa mga nagsisilbi sa ­lokal na pamahalaan.

Scholarship para sa mga anak o dependents ng mga public servant ng Taguig.
Bukod pa rito, lahat ng regular college students simula 1st sem ng SY 2020-21 sa ­Taguig City University ay magiging scholars ng ­lokal na pamahalaan ng ­Taguig na may allowance.

“Patunay ang naam­yendahang ordinansa na patuloy ang ating pagkilala sa dalawang ­central values ng Taguig City: education and inclusion,” saad ni Mayor Lino Cayetano.