“I cannot assess myself. It would be self-serving and I would just be pulling my own chair.

So, let the other… you might want to ask the guys from Cambodia, Laos, Vietnam, and those who… palakpak.”

Ito ang tanging nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nang matanong ng mga reporter na su­malubong sa kanya sa Davao International Airport kahapon ng mada­ling-araw tungkol sa kanyang kauna-unahang fo­reign trip — ang ASEAN Summit sa Laos at official trip sa Indonesia.

Ayaw man magbuhat ng sariling bangko kung naging matagumpay ba ang kanyang foreign at official trip.

Ganunpaman, sinabi naman nitong naging masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pagbiyahe bilang Pangulo ng bansa.

Inamin din ng Pangulo na may mga bagay na hindi nagpatulog sa kanya at pinag-isip siya sa u­nang gabi ng pagdating niya sa Laos.

“I would sleep on it, thinking that, the thought that I have served my country to best way I can. Well, after that. But it is not a thing to brag about. It’s just saying that I am happy I was able to do it during my first,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Wala ring naging tugon ang Pangulo nang usisain tungkol sa bansag sa kanya bilang “rockstar” sa ASEAN Summit ng mga delegado.

“Well, I say a posture of confidence that we’re able to deliver what we are obligated to,” ang tanging naging reaksyon ng Pangulo sa taguring “rockstar”.