Tagumpay sa SEA Games hangad ng Malacañang

Malacañang nainsulto sa salaulang Chinese tourist sa Boracay

Hangad ng Malacañang na makarami ng gold medal ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Southeast Asian (SEA) Games sa dara­ting na linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na anuman ang magiging standing ng mga Philippine athlete sa SEA Games, ang mahalaga ay makarami ng gintong medalya at lagpasan ang mga nakalipas na nasungkit na mga panalo.

Pero gusto rin aniya ng Palasyo na mag-number one ang Pilipinas, subalit nasa mga atleta ang galing at kakayahan para sa kara­ngalan ng bansa.
Maagang nagpahatid ng ‘good luck wish’ ang Malacañang para sa mga atletang Pinoy na sasabak sa SEA Games.

“Baka naman this is our time, time to rise. We hope to get more gold medals. That is our wish, mag-number one. Mahirap mag-predict, kumbaga sa basketball, bilog ang bola. Our wish is to have more gold medals, whether we are number one, number two, basta mas maraming medals kaysa noong mga nakaraan.
Let’s wish them luck,” ani Panelo.

Kasabay nito, naniniwala ang Palasyo na walang epekto sa mga Pinoy athlete ang i­ngay na nilikha ng pagkuwestiyon ni Senador Franklin Drilon sa halaga ng cauldron na gagamitin sa SEA Games.(Aileen Taliping)