Taiwan nag-donate sa PH ng 300K medical mask

Libu-libong medical mask na donasyon ng Taiwan sa Pilipinas ang dumating nitong Miyerkoles sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang 300,000 medical mask ay bahagi ng anim na milyong donasyon na pinangako ng Taiwan para tulungan ang Pilipinas at iba pang bansa sa Asya na mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tinanggap ang donasyon ng mga opisyal ng Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), at ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) mula sa opisyal ng Taipei Economic and Cultural Affairs (TECO).

Sinakay sa Eva Air flight mula sa Taipei ang mga donasyong medical mask at unang dinala sa Pair Cargo Customs bonded warehouse.

Pinangunahan ni MECO Vice Chairman Gilberto Lauengco ang pormal na pagtanggap sa mga donasyong medical mask mula kay TECO Representative Michael Hsu. (Otto Osorio)