Nadakip ng mga awtoridad sa Zamboanga City ang isang Korean national na tumakas mula sa kanyang bantay sa East Avenue Medical Center sa Quezon City noong Abril.
Nabatid na si Jun No, umano’y nasa likod ng bentahan ng party drug na ecstasy sa bansa ay nagbabalak sanang tumakas patungong Sabah sa Malaysia matapos na magtago sa iba’t ibang hotel sa Maynila at Cebu bago nagtungo sa Zamboanga City.
Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang operasyon kasama ang pulisya, militar at Philippine Drug Enforcement Agency.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pagtakas nito sa kabila ng marami nitong bantay sa pagamutan.