Ihahatag ang hagibisan sa Cuenca, Batangas na layong tustusan ang mga programa’t proyekto ng Federation of Senior Citizens ng bayan mula sa kikitaing pondo ng 3-in-1 road race sa Sept. 16.

Tatawaging Takbong Pang-Lolo’t Lola, tampok dito ang 10-kilo­metrong distansiyang para sa lahat na may katapat na paprem­yong P5,000, P3,000 at P2,000 sa top three men’s at women’s winners bukod pa sa mga plake.

Isasaayos ito nina race director Konsehal Danny Magsumbol, Office of Senior Citizens Affairs head Felipe Chavez, Pres. Lily Remo, Noli Comia, Eric Cuevas, at Reylito Cuevas.

Ganitong premyo rin sa 5-km. Sr. Citizen runners male & female.

May P3,000, P2,000 at P1,000 at plake rin ang mga podium finishers na lalaki’t babae sa 3-km Kiddies Run.

Halagang P150 lang ang registration  fee sa event na parte ng selebras­yon ng OSCA Week sa Oktubre.

Sa iba pang detalye, mag-email kay Magsumbol sa danilo.magsumbol@yahoo.com o sa cell phone niyang 0917-8432434.