May bagong usbong na take-charge guy ang San Beda. Galing La Salle.

Opensa at depensa kasama ang tibay ng dibdib ang naging armas ni Robert Bolick para itulak ang Red Lions sa 88-85 panalo kontra Arellano University ­kahapon sa Game 1 ng finals ng 92nd NCAA men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Nag-deliver sa clutch at nagbaon ng insurance freebies si Bolick para ilapit ang Lions sa pang-­siyam na titulo sa huling 11 taon.

Bumira si 21-year-old Bolick ng dalawang free throws para itabla ang iskor sa 82-all at kumana ng layup sa dulo, at hindi na nakaporma ang Chiefs sa natirang 3.7 seconds.

Tumapos si Bolick ng 24 points at 11-of-11 sa free throw line. Nagbaba pa siya ng 10 rebounds.

Maliban sa opensa, nakaatang din kay Bolick na bantayan ang star player ng Arellano na si Jio Jalalon.

Nakaiskor pa rin si Jalalon ng 21 markers pero sa final stretch ay hirap itong makapuntos dahil ayaw siyang lubayan ni Bollick.

Si Bolick ay galing sa La Salle bago napunta ng San Beda.

“When he left La Salle, I honestly in my heart of hearts. really wanted him even though he wasn’t playing much when he was in La Salle because he was still young,” patungkol ni SBC coach Jamike Jarin sa recruit. “I really saw what he can do. He’s not really much of a scorer but I can see through his chest his fighting heart and the warrior in him so I really wanted him.

Masaya si Bolick dahil nabigyan siya ng pagkaka­taong makalaro.

“I still couldn’t believe that they accepted me even though I was a bench player when I was in La ­Salle,” ani Bolick.

Sa MOA ang Game 2 sa Martes.