TAKE TWO SA LADY STAGS

ncaa-season92

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)

10:00 a.m. — Lyceum vs. Perpetual (jrs Finals Game 1)
1:30 p.m. — CSB vs. Perpetual (men’s Finals Game 2)
3:30 p.m. — SSCR vs. Arellano U (women’s Finals Game 1)

Nabigo ang San Sebastian noong isang taon, uumpisahan ngayon ang muling paghahabol sa korona ng 92nd women’s volleyball.

Haharapin ng last year’s runner-up Lady Stags sa finals ang Arellano University ngayong hapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Bitbit ng Baste ang thrice-to-beat advantage matapos walisin ang mga nakatunggali sa elimination round na naging dahilan ng pag-entra agad sa championship round.

Sumampa sa finals ang Lady Chiefs nang patalsikin sa second stepladder semifinals ang last titlist College of Saint Benilde 19-25, 25-23, 19-25, 25-13, 15-9 noong Biyernes.

“We waited the whole year to get another chance of winning a championship and we will do our best not to let this one pass again,” saad ni San Sebastian coach Roger Gorayeb.

Si Grethcel Soltones, abot-kamay­ ang pangatlong sunod na MVP award, ang sasandalan ng San Sebastian para makopo ang korona.

“We will give it all to win this year,” ani Soltones.

Bumalik sa finals ang Arellano, dalawang seasons din silang naghintay matapos hablutin ang titulo.

“We have another chance and we’re all eager to take advantage of it,” wika ni coach Obet Javier.