Steve Dailisan, Hadji Rieta and yours truly – we used to call ourselves the #News3logy of the Kapuso Network. Sa aming tatlo, una akong nakapasok sa GMA noong 2005. Sumunod naman si Steve. Kapwa kami nagsimulang writer-producers ng noo’y QTV Channel 11. Makalipas ang halos apat na taon, nag-ober da bakod naman si Hadji sa GMA mula sa Regional Network Group ng rival station na ABS-CBN.
May kanya-kanya kaming pangarap sa buhay. Pero kaming tatlo, pare-parehong dinala ng pagkakataon sa pagiging TV Reporter. Bagay na minahal namin nang todo-todo. Sa kabila ng magandang karera sa telebisyon, isa-isa rin naming tinalikuran ang mundo ng pagbabalita. Unang umalis sa Kapuso Network si Hadji na sinundan ko. Nito lang nakaraang buwan, si Steve naman ang nag-alsa balutan.
Possibly, many of you are wondering why it is easy for us to turn off the spotlight when in fact, not to brag, as they say – we are at the peak of our careers when we resigned. Sa totoo lang, mahirap talikuran ang trabahong mahigit isang dekada naming ginagawa. Iba ang adrenaline rush sa field. We are at the forefront as each story unfolds. We are eyewitnesses of history. But as they say, lahat ng bagay, may katapusan.
Mas pinili ni Hadji na magtrabaho sa ibang bansa. Sa ngayon, HR Officer siya sa isang kumpanya sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Bago niyan, nagtrabaho rin siya bilang head hunter sa ilang recruitment at human resource search firms dito sa Pilipinas. Hindi niya pa masagot sa ngayon kung babalik siya sa mundo ng pagbabalita. Sa kasalukuyan, masaya raw siyang maging OFW, bayani ng modernong panahon.
Nagdesisyon naman si Steve na ituloy ang naudlot niya noong pangarap na maging piloto. Bago pa maging reporter, childhood dream na niya talagang makapagpalipad ng eroplano. Kasalukuyan na siyang enrolled sa isang flying school sa Clark, Pampanga. Bukod dito, consultant din siya sa isang government agency sa Pampanga at model-endorser ng ilang produkto at serbisyo.
After my 10-year stay in GMA, nagtrabaho ako bilang Communications Head ng isang local oil company. Pero makalipas ang halos dalawang taon, nag-resign din ako at nag-focus muna sa kinukuha kong Masters in Business Administration. Masaya ako sa academe. Katunayan, part-time lecturer ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Far Eastern University. Madalas ding maimbitahang resource speaker sa journalism training-workshops.
In life, we must be ready to face challenges and take risks. And in taking the risks, as much as possible, always choose the best among the given options. ‘Ika nga ng college professor ko, “Do not settle for less. Always strive for maximum excellence.” Don’t be afraid to get out of the box. Mas okay na hindi de-kahon ang buhay. Marami pang bagay na puwedeng gawin sa labas ng iyong comfort zone. Just explore. Believe me, malawak ang mundo. But of course, in everything you do, put God first. Huwag makalimot na magdasal.
Siyempre, hindi namin mararating ang estadong ito ngayon kung hindi rin dahil sa Kapuso Network. Kaya pagbali-baligtarin man ang mundo, malaki ang utang na loob namin sa GMA – ang kumpanyang humubog sa aming kakayahan at kaalaman bilang mga mamamahayag. Saan man kami dalhin ng kapalaran at pagkakataon, makasisiguro kayong mananatili kaming mga Kapuso.