Hanggang nga­yon ay umaani pa rin ng samu’t saring reaksyon ang pagtatapat ni Anne Curtis kung bakit ayaw niyang magbuntis.

Kakatwa kasi ang naging pahayag ng aktres sa ‘Tawag ng Tanghalan’ segment ng “It’s Showtime” kamakailan.

Hirit niya, takot daw siyang mabuntis dahil ayaw niyang mawala ang kanyang boses.

Sey naman ng isang netizen, hindi raw naman kawalan kung hindi na maibalik ang sintunado o mala-ipis na boses nito.

Depensa naman ng isa, dapat lang mag-worry si Anne dahil pinagkakakitaan nito ang kanyang boses sa kanyang mga concert.

Matatandaang nagsimula ang hugot ng TV host, endorser­ at actress nang sabihin­ ng isang semi-finalist­ na kapag nagbubuntis ang babae, nagbabago ang kanyang boses pagkapanga­nak.

Dahil dito, nag-react si Anne at naalarma sa nalaman kaya nasambit nitong, “Kinakabahan naman ako… magbabago ang boses ko.”

Lalo pang nabagabag ang aktres dahil may mga nagpatotoo mula sa madlang pipol na tungkol sa testimonyang may mga inang hindi na makatili pagkatapos manganak.

Hirit naman ng iba, huwag maniwala rito dahil wala raw itong scientific basis.

Pag-eengganyo naman ng iba, ituloy nito ang planong magpabuntis sa asawang si Erwan Heusaff dahil sayang naman ang lahi nito. (Archie Liao)