Tahimik ngayon ang mga bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa buong Region 1 dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay ng pulisya bukod sa takot din ang mga itong makapitan ng virus, ayon sa BJMP-Region 1 (BJMP-R1).

Dahil nakakulong at wala sa kalsada, nanatiling coronavirus free ang BJMP-R1.

Ito ang kinumpirma ni BJMP-R1 director J/Sr. Supt. Neil Avisado at sinabing sumusunod lahat ng preso sa rehiyon kaya napipigilan ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Avisado, noon pang March 11 ay nabisita na niya ang lahat ng pasilidad ng BJMP-R1 bago magdeklara ng lockdown at noong March 30 ay nagdeklara na din sila ng total lockdown.

Aniya, magkakaroon na din ang BJMP-R1 ng mga medical expert upang mabantayan ang nasabing institusyon.

Upang maiwasan ang COVID-19, pinalakas ang mga recreation activities facilities ng BJMP-R1.

Nakatutok din ngayon ang mga awtoridad sa mga inmate na senior citizen na madali nang kapitan ng nasabing virus dahil sa mahina na ang kanilang immune system. (Allan Bergonia)