Takot sa sex

Dear Dra. Holmes:
I don’t see why people love sex. It hurts but I just can’t wait for my hymen to break so that I can finally find out how good sex should feel. I am 34 years old, btw. No boyfriend yet, but many friends who are willing to help me no hormonal or biological issues as far as I know.
Linda

Dear Lina:
Salamat sa sulat mo. Ngayon sasagutin ko ang mga tanong mo tungkol sa hymen, at sa susunod na Sabado, Oktubre 5, sasagutin ko ang mga tanong mo tungkol sa ibang bagay na maaaring dahilan kung bakit ikaw ay natatakot sa sex.
Una, kailangang tanungin mo ang sarili mo kung ang sakit na nararanasan mo ay pisikal o dahil sayong takot na masaktan ka (emosyonal). Pag-usapan natin ito nang mas malalim sa susunod na Sabado kasi hindi direkta na sangkot ang hymen.

Totoo, ang hymen ay (tila) ang pinakapangkaraniwang dahilan na maaaring masakit ang unang beses. Pero hindi ito garantisado na ang hymen ang dahilan. Sa aking karanasan bilang sikolohista, lahat ng nagkuwento tungkol sa first experience nila ay mayroong sakit na naramdaman sa unang beses. Hindi katakot-takot na naluluputan sa sakit, pero sakit ng konti (o marami), at ang iba rito ay walang hymen.

Para sa iyo lalo, hindi tayo nakakasigurado na hymen ang problema, kasi hindi ka nagpatingin sa doktor para malaman kung 1. Mayroon kang hymen (dahil maraming babae ay wala na kahit virgin sila; at 2. Kung mayroon, ito ba ang klaseng hymen na talagang makakasakit ng sobra sa unang beses, at 3. Kung oo, mayroon bang magagawa ang doktor (putulin ang hymen, turuan ang i-stretch nito para hindi sumakit. To be continued.
***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.