Pinataob ng “ASAP Natin ‘To” ang “All-Out Sundays (AOS)” na tampok ang “Tala” dance craze nationwide.
Nakaiskor ang “ASAP Natin ‘To” ng 11.7 percent noong January 5 kumpara sa 9.7 percent ng “All-Out Sundays”, base sa datos ng Kantar Media.
Nag-trending ang mga hashtag na related sa Tala Nation.
Magugunitang maging si Kapuso star Maine Mendoza at boyfriend niyang si Arjo Atayde ay nahumaling na rin sa “Tala” kung saan nagsayaw sila nito nang sabay at nag-trending din sa social media. (IS)