Dahil sa kanilang matinding pagpapaki­ta ng kahusayan kahit balot ng kahirapan ay bibibigyan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ng isang “treat” ang Talai­ngod girls volleyball team na nagwagi ng gintong medalya sa Batang Pinoy 2019 Mindanao Qualifying Leg.

Ipinangako ni Ramirez ang isang “all-expense paid trip” patungo sa Manila sa loob ng isang linggo bilang dagdag na pabuya sa kabataan na nagsanay nang husto sa mataas na kabundukan upang tanghaling pinaka­bagong kampeon sa girls volleyball ng torneo na para sa kabataang edad 15-anyos pababa.

Ipinangako ito ng PSC chief sa koponan ni coach Bobby Jone Sinco bago ang championship game kontra sa Davao City selection na isinagawa noong Pebrero 9 sa University of Minda­nao (UM) Tagum gym.

Ikinatuwa ni Ramirez na ang Talaingod squad ay binubuo mismo ng mga indigenous peoples (IP) teenagers na edad 15-anyos pababa.

“I talked to them before the finals saying ‘Win or lose, you will go to Manila for one week and play with teams from La Salle, Ateneo and UP’. They are indi­genous people but they are the champion,” sabi ni Ramirez kung saan titigil ang koponan sa PhilSports at bibigyan ng Team Philippines jackets upang mas lalong ma­ging inspirado.
Ang kanilang pagkain ay sasagutin din mismo ng PSC.