TALENT manager na nagmamaganda, nagma­magaling, nagmamaru­nong na feeling-sikat at super-name drop ng mga sikat na utaw sa showbiz na friendship niya raw!

Kaya madaling-madali raw sa kanya na magpasikat ng mga gustong mag-artista.

Ang dami niya nang naging talent pero wala pa ring sumisikat up to now.

Karamihan ay kumakalas na sa kanya.

May mga naisasama naman sa mga teleserye o sitcom kaya lang, parang extra lang.

Waaah talkies! Madalas, nasa crowd lang.

Puro siya pangako at ipinagpapabukas-bukas ang mga talent niyang pudpod na ang mga sapatos sa kakapabalik-balik sa bahay niya dahil madalas na kanselado kundi man postponed kuning-kuning ang taping.

Ang pinakanakakalokang nangyari ay nang minsang maiwan ang celfone niya sa bahay kung saan nandoon ang mga alaga niyang boylet.

Ang daming text sa celfone at tiningnan ng isang talent niya. Siyempre, nakiusyoso ang isa pa.

Shocking Asia!

Ang daming hubo’t hubad na la­laki na telag ang mga nota sa cell phone ni badiklang manager.

Meron pang videos na bumi-BJ ang pinagkaka­tiwalaan nilang bossing.

SING-GALING!

Na-SHOOKT ang mga nag-usyosong ­talent dahil ‘yung dalawang ka­sa­mahan nila ay bida sa videos.

Juice colored!

Doon na sila sabay na nag-eskapo at hindi na nagpakita kay maelyang manager.

Agad-agad, BLOCKED nila ito sa FB at contacts nito.

Sa ngayon ay ganoon pa rin si bading at waaah keber kung nilayasan na siya ng mga talent niya.

***

Kilalang aktor, ang daming demands!

Matagal-tagal nang nganga si kuya dahil kung maka-­demand siya ay masahol pa sa mga aktor na naka-ilang best actor award at naghari na sa takilya.

Feeling ni kuya, siya ang magpapa­taas ng rating ng gagawing teleserye.

Hindi ba niya naaalala na naka-one season lang ‘yung huli niyang serye?

Next week pa sila mag-i-start ng taping pero inu­nahan niya na ang production staff ng demands niyang pang-Hollywood actor. Una, waaaah niya feel ang may ka-join sa tent. Dapat, solo lang niya.

Dapat, ang calltime niya eh after lunch at may cut-off siya.

‘Yung foods niya, kailangang orderin sa restaurant at siya ang masusunod.

May reserve parking dapat para sa karumba niya.

Dapat eh huwag siyang sasapawan sa eksena, bida man o hindi.

Marami pa siyang ibang demands. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga iyon dahil kulang ang espasyo.

Pinag-iisipan ng production na iksian ang role niya dahil sa OA niyang demands.