Interesado ang executives ng isang network sa baguhang alaga ng isang talent manager. Pero kahit na inalok na papipirmahin ng kontrata ang kanyang alaga, ayaw pang ibigay ni manager ang matamis niyang oo.

Ang gusto yata niya ay habul-habulin siya ng network bago niya papirmahin ang guwapo niyang alaga. Siguro gusto niya magpataas ng presyo.

Kung ang diva that you love ang pamosong manager, go for gold na kami sa alok ng network. Ang daming baguhan na nangangarap magkaroon ng career sa showbiz. Heto na ang network na interesado sa alaga mo, choosy ka pa ‘neng?

Let’s face it, tulad ng ibang baguhan, wala pa naman napatunayan ang alaga mo. Yes, guwapo ang alaga mo pero hindi lang looks ang batayan ngayon. Dapat may talent ang alaga mo.

Marunong ba siyang kumanta, sumayaw o umarte? Walang mararating ang newcomer na walang talent.

Dapat nga maging thankful pa sa network si manager dahil nagpakita ng interest ang network kahit wala pang napatunayan ang newcomer.

Kung talagang may potential ang alaga ni manager, ang network mismo ang makatutuklas sa talent niya kahit na baguhan ito. For now, ang kailangan gawin ng aspiring newbie ay matuklasan kung anong talent meron siya.