
HAVEY: Pagkatapos na sinubaybayan ang The Voice Kids Season 3 Grand Finals kung saan nagwagi si Joshua Oliveros (na tagos sa puso ang pag-awit ng Salamat), dalawang kakaibang talent shows na naman ang magsisimula sa telebisyon.
Parang hindi mauubos ang pagpapakita ng galing ng mga Pilipino lalo na sa pagkanta at pagpe-perform.
Sa Kapamilya Network, nandyan ang Pinoy BoyBand Superstar with Billy Crawford as host kasama sina Aga Muhlach, Vice Ganda, Yeng Constantino at Sandara Park. Parang One Direction, hahanap sila ng mga bagets na lalaki na bubuo ng isang all-star band na kagigiliwan at kakikiligan ng masa.
Sa Kapuso network, magsisimula na sa Sabado ang Superstar Duets hosted by Jennylyn Mercado with judges Allan K, Christian Bautista and Aicelle Santos.
Celebrities ang contestants at pinakiusapan kami ni Joross Gamboa na payagan siyang sumali para mas maging masaya ang palabas.
Hindi singer si Joross although he can carry a tune. Pero it seems like the thrust of the show is really comedy.
Hindi talaga ang sakdal husay na pagkanta ang target kundi ang kakaibang saya na dulot ng show.
Kaya sabihan man na Superstarlet Duets ng Tanglaw Diva, ariba pa rin ang programa.
Sana lang, ma-entertain ka, kapatid na Alwyn. Hahaha!
Just a footnote, ang SUPERSTAR sa show ay hindi ang mga celebrity contestants kundi ang impersonators na ka-duet nila. Sana, makilala ninyo sila at tumatak ang galing nila.
So, sa Battle of Superstar shows sa weekend, kanino kayo?
***

WALEY: Habang nag-iingay ang mga primetime talent shows na magpipilot telecast this weekend, merong isa pang talent show na magsisimula sa Sabado after Eat Bulaga.
Narinig n’yo ba ang show ni Tom Rodriguez na #Like na under the GMA News And Public Affairs?
Isa itong talent competition featuring the viral sensations na magpapasiklaban every week, at ang ultimate judge ay ang viewers.
Makakasama ni Tom sa show na ito na kulang pa sa ingay ang YouTube sensation na si John Philip “Balang” Bughaw.
Sana, mapromote nang maayos at todo ang show na ito para hindi ito basta daraan na lang.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
alam mo nakakatawa Mr. Ferrer kc napag aksayahan mo ang bagong shows ng GMA pero yung mga walang kwentang palabas ng brand nde mo makita hahahaha!! ang isulat mo kung paano makakahabol s ratings ang UKG n nka ilang palit n ng mga host, Magandang Buhay n wlang wentang palbas cartoons nlng nde pa matalo talo, its showwastime n hanggan copy cut nlng ng EB at walng wentang mga segments nila, mga current affairs shows ng dating panghapon at ayun nademote nmn s panghating gabi kc nde matalo ang katapa n gma news public affairs shows n hinabol muli, pbb na ibahin nmn ang script, MMK n paiba iba ng oras kc umiiwas s palabas ni Mel at marami pang iba…yan dapat ang pag aksyahn mo Mr. Ferrer kc mas visible ang mga write up mo s brand x hahahahaha!!! wala kang wentang hahahaha!!!
@noel ferrer – hahaha!! e2 nmn ang nakakaligalig n write up nang nagmamagaling n bias writer. alam mo kung ako syo Mr. Noel bago mo isulat ang mga palabas ng GMA isulat mo muna ang mga alaga mo kung napapanood p ba s TV. nde ko alam kung bakit ikaw parin ang manager ni IZA n mula nang lumipat s brand x ayun kahelera na ni angel L…mga tengga princes hahahaha!! yan b ang naitulong n sinasabi mo lagi s column no nag iiba ng estado pagnaging kapamilya hahahaha!! nag iiba talga kc tumitenga n, nalalaos pa hahahaha!!!
basura talaga ang gma.