Napatay kahapon ang isang pulitiko matapos umano itong manlaban sa mga parak sa isang anti-narcotics operation sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato sa Mindanao.

Nakilala ang nasawi na si Dindo Piang, talunang vice mayor noong nakaraang halalan, na nakipagbarilan umano sa mga parak at sundalo.

Ilang katao rin ang dinakip kaugnay sa opeĀ­ration at isa rito si Nasser Karim, anak umano ni Senior Inspector Sindatu Kari, deputy police chief ng nasabing bayan, na nabawian umano ng isang automatic rifle ng isa sa 44 Special Action Force (SAF) member na napaslang sa labanan sa mga Moro rebels noong January 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.