Isang lalaking hinihinalang ‘tulak’ ng ­droga ang napatay matapos mabaril sa ­isinagawang buy-bust operation ng Station Drugs Enforcement Team (SDET) kamakalawa ng hapon sa San Miguel, Maynila.

Kinilala ni PO3 ­Aldeen Legaspi, may hawak ng kaso ng Manila Police District-Police Station 5 (MPD-PS5), ang nasawing suspek na si Antonio ‘Tonet’ Dicuangco, 44, at taga-280 Barcaiztigue Street, San Miguel, Maynila.

Nabatid na dakong alas-12:45 ng tanghali nang makipagtransaksyon ang SDET-PS 8 sa suspek sa loob ng kanyang bahay sa 280 Barcaiztigue Street, San Miguel, Maynila.

Nakatunog umano ito na pulis operatiba ang ka-deal kaya’t bumunot ito ng baril at pinaputukan si PO2 Joselito Dela Cruz, tumata­yong poseur buyer, na masuwerteng hindi tinamaan.

Nakita naman ni PO1 Lester Sombra, na nanga­nganib ang buhay ni Dela Cruz, kaya’t gumanti ito ng putok dahilan upang humandusay ang suspek.

Dead-on-arrival nang dal­hin sa Ospital ng Sampaloc ang suspek.