Tamang manindigan at ipaglaban ang Benham Rise

letter_to_editor-box

Dear Sir:

Kinilala ng United Nations (UN) ang Benham Rise na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas kaya naman tama lamang na manindigan at ilaban ito ng ating bansa. Matapos ang pahayag ng China na walang karapatan ang Pi­lipinas na solohin­ ang nasabing teritoryo iniutos ni Pangulong Duterte na magtayo ng istraktura rito. Ayon pa sa mga mambabatas dapat na bigyang pansin ito dahil hindi malayong pag-interesan ito ng bansang gahaman sa mga teritoryong hitik sa likas yaman.

Kinakailangan na pa­lakasin pa ang kapabili­dad ng ‘Pinas na ilaban ang karapatan sa airspace at territorial waters sa West Philippine Sea kabilang na ang Benham Rise.

Ann R. Aquino
Cavite

***

Dear Sir:

Patuloy ang pakikipag­ ugnayan ng Crisis Ma­nagement Council sa grupo ng New People’s Army. Ito ay para pag-usapan ang pagpapalaya sa mga prisoners of war na kinabibilangan ng ilang sundalo at kapulisan mula sa Sultan Kudarat, Surigao del Sur at Bukidnon batay sa pahayag ni Chief Inspector Bernard Francia, hepe ng Columbio-Philippine National Police.

Kinakailangan na hindi lamang puro bitiw ng salita ang mga leader­ ng NPA. Ipakita sana nila ang kanilang sinseri­dad upang maiabante na ang peace talks. Sa patu­loy nilang paglaban sa gobyerno at paglabag sa batas ng Diyos at tao lalo lamang nilang inila­lagay ang kanilang sarili sa alanganin at pinalalala ang sitwasyon. Dapat ay magbalik loob na sila­ sa gobyerno at piliing ­ibaba ang armas at mamuhay sa piling ng kanilang pamil­ya.

Nikki R. Pabulayan
Fort Bonifacio, Taguig­ City