Naglabas ng guidelines ang Philippine Red Cross (PRC) sa tamang pagsusuot ng surgical mask na maaaring maging panangga laban sa virus partikular sa kinatatakutan ngayong novel coronavirus.
Sa Facebook post ng PRC, dapat siguruhing nakalabas ang asul o may kulay na parte ng mask.
Ang magandang kalidad ng surgical mask ay may three-ply layer.
Nasa loob ang puti o absorbent upang panatilihing tuyo at hindi kulob ang mukha at bibig.
Ang middle layer ang nagsisilbing filter habang ang nasa labas na colored layer ay siyang humaharang sa tubig.
Gawa ang surgical mask sa fabric o polypropylene at mayroong minimum na 80 percent bacteria filtration efficiency. (Issa Santiago)