Ang gulay ay pampahaba ng buhay ‘ika nga nila. Pero mas epektibo ito sa kalusugan kung tama ang pamamaraan ng pagluto. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Bago ito iluto ay tiyaking nahugasan muna ito nang mabuti lalo na kung ang mga gulay na ito ay itinanim sa lupang ginamitan ng patabang dumi ng hayop.
Para mas ma-retain ang nutrients na taglay nito ay huwag itong lulutuing mabuti. Hintayin munang kumulo ang tubig o sabaw bago ilagay ang mga gulay para hindi agad malasog.
Kapag overcooked ang gulay, bukod sa hindi na ito malutong at lupaypay na ay halos wala na rin itong sustansya.
Mapapanatili ang tingkad ng kulay kung hindi tatakpan o hahayaang nakabukas ang kaldero habang iniluluto ang mga ito.
Ang sariwa at katamtamang luto na mga berdeng madahong gulay ay pinagmumulan ng vitamin C, iron, calcium, dietary fiber, folic acid, vitamin E at ilang phytochemicals.
Mayaman naman sa dietary fiber, iron at B-complex vitamins ang mga ‘di madahong gulay tulad ng okra, sayote, upo, at ampalaya.
Kaya mahalaga talaga ang regular na pagkain ng mga gulay dahil nakatutulong ito sa pag-iwas sa vitamin A deficiency disorders o VADD na isa sa mga laganap na uri ng malnutrisyon sa bansa.