“No work, no pay.”

Ito ang paiiraling panuntunan sa pribadong sektor para sa mga manggagawang papasok sa trabaho sa All Saints Day, November 1, at All Soul’s Day, November 2.

Paliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga nabanggit na petsa ay idineklara bilang mga special non-working day.

“It applies unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement (CBA) granting payment on a special day,” saad ng DOLE sa ipinalabas nitong advisory.

Gayunman, para sa mga manggagawa na magtatrabaho sa November 1 at 2, tatanggap sila ng karagdagang 30 percent ng arawang sahod para sa unang walong oras na trabaho.

Kung nag-overtime naman, dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate ang ibibigay sa mga manggagawa.

Kung nagkataon naman na rest day ng mangggawa pero siya ay nagtrabaho, tatanggap siya ng karagdagang 50 percent ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras na paggawa, at kung nag-overtime, dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate ang ikakarga sa kanyang sahod.