Tambak na kaso sa Kobe chopper operator

May tsansa na buhay pa sina Kobe Bryant at Gianna pagkatapos ng initial impact ng helicopter crash noong January 26, ayon sa wrongful death suit na isinampa ni Vanessa Bryant.

Humihingi si Vanessa at ang tatlo pa nilang anak na babae – lahat nagsakdal ng kaso – ng damage para sa pain and anguish na naramdaman nina Kobe at Gia­nna noon.

Inihain ni Vanessa ang kaso noong February 24, ilang oras bago siya nag-deli­ver ng eulogy para sa asawa’t anak sa memorial ng dalawa sa Staples Center.

Labingsiyam na beses nabanggit sa complaint na dapat bayaran sina Vanessa at kanyang mga anak ng “damages (Kobe or Gianna) may have suffered between the time of injury and the time of death.”

Isinama rin ang paghihirap ng mag-ama – mental anguish, physical disability, conscious pain and suffering, pre-impact terror, disfigurement.

Mayroon pang aggravating circumstance kabilang ang wanton, willful callous, reckless and depraved conduct ng defendant. (Vladi Eduarte)