Ilang tulog na lang at uumpisahan na ng Far Eastern University Tamaraws na depensahan ang titulo sa 79th UAAP senior men’s basketball tournament.

Maugong ang De La Salle sa mga magiging sagabal ng Tamaraws para sa asam na suwagin ang back-to-back titles, dahil ipinagmamalaki ng Green Archers ang halimaw maglarong si rookie big man Ben Mbala.

Pero may matinding sandata rin ang FEU na gagamitin ni coach Nash Racela – si guard Monbert Arong.

Medyo dadaan sa butas ng karayon ang Tamaraws sa pag-depensa ng kanilang korona dahil sa departure ng ibang FEU stars.

Maganda ang ipinakikitang laro ni 6-foot-0 Arong sa preseason tournaments at tune-up games na puwedeng sandalan ng FEU.

Kayang magbigay ng malakas na impact gamit ang kanyang bilis sa loob ng court ang Cebuano wingman na si Arong ayon sa mga kasamahan nito sa FEU.

Sa unang laro ng FEU, katapat agad nila ang DLSU sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Makikilatis si Arong pagharap niya kay Mbala.

Sina Arong at Mbala ay dating magkakampi sa Southwestern University na lumalaro sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI).

Ayon kay FEU slasher Arong, kilalang-kilala nito sa Mbala.

Inaasahang magiging mainitan ang labanan ng Tamaraws at Green Archers dahil halos dalawang linggo na ang nakararaan, nagkaroon ng physical tune-up game ang magkaribal na nauwi sa matinding tensyon sa pagitan ng coaches at players.

2 Responses

  1. Ikaw ba ay nagFFB lang maghapon o magdamag?
    Kung ang ginagawa mo ay nagllike, nagsshare, nagttag, at nagppost din lang. Bakit hindi niyo subukan pagkakitaan ang ganyan na routine niyo sa FB? Sa maliit at affordable na puhunan may business kana! Sa halagang 600PHP lang kikita ka na ng unli dollars a day! Dito wala kang binebenta na produkto. Hawak mo pa oras mo. Like a boss

    Join na sa PlanProMatrix….mayroon 3 ways to earn DATA ENTRY,REFERRAL tsaka ELOADING….pm mo q turuan kita

  2. Lose weight is dependent on finding a powerful diet understanding that makes fat disappear in the fast rhythm. My boyfriend Richard and i also are following a diet program fast extremely effective. My love could lose fat 21 pounds i 19 pounds. I lost several centimeters throughout my waist .The dietary plan that this site here TOP2DIET (The site is dot com)