Tan, Tiu utakan sa D-League playoffs

Papalakas pa-playoffs ang Petron-Letran at Go For Gold-CSB sa pagpapatuloy ng 9th PBA D-League 2019 eliminations ngayon sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Maghaharap ang nasa tersero sa Aspirants Group P-L Knights (5-2) at kasalo sa 5th-6th GFG-CSB Scratchers (3-3) sa alas-dos ng hapon Huwebes ng hapon.

“Baka mabigyan tayo ng chance na makaabante sa next round, so every game, we have to prepare and execute,” komento ni coach Bonnie Tan ng batalyong gasolina.

Tsumubibo sa Petron-Letran sina Alvin Pasaol (28 points, seven rebounds, at three assists) at Jerrick Balanza (22 markers at 5 boards) nang makaeskapo noong April kontra St. Clare College Virtual Reality, 91-90.

Itutuloy rin ng GFG-CSB coach Charles Tiu ang momentum mula sa 101-92 win kontra Che’Lu Bar and Grill dalawang linggo na ang nakararaan. (Fergus Josue, Jr.)