Tanaw-balik na lang muna.

Kung dati ay isa sa inaabangang event tuwing summer ang Filoil Flying V Preseason Cup, ngayon ay sasariwain na lang muna ang mga naging ganap dito nang mapurnada ang nakatakdang ika-15 na edisyon sa buwang ito dahil sa pandemic COVID-19.

May 1 dapat ang simula ng collegiate hoopfest, pero dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019, nagpasya na lang ang Flying V Sports na i-replay ang mga nakaraang taon ng.

“While waiting for our lives to return to a semblance of normalcy and order, get ready for the Filoil Flying V Preseason Rewind,” ayon sa statement ng organizer.

Mapapanood sa official FB page (facebook.com/ffvsports) ang mga laro sa nakalipas na taon ng torneo.

“Basketball fans can relive classic matches of their favorite college basketball teams in the Filoil Flying V Preseason Tournament.”

Ang La Salle Green Archers at ang San Beda Red Lions sa apat at tatlong mga titulong tangan ang dalawang pinakamatagumpay na team sa taunang liga. May tigdalawa ang Ateneo Blue Eagles at UE Red Warriors habang may tig-iisa ang FEU Tamaraws, NU Bulldogs, at San Sebastian Stags. (Aivan Denzel Episcope)