Sang-ayon si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na tanggalin ang mga subject na Calculus at Trigonometry sa high school curriculum.

Ito’y bilang pagsuporta na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Duterte na dapat pag-aralan na ng Commission on Higher Education (CHED), ang posibleng pagtanggal sa education curriculum ng Calculus, Trigonometry at maging Algebra at palitan ito ng Business Mathematics.

Naniniwala ang senador na panahong suriin ng CHED ang mga subjects na dapat tanggalin sa curriculum na hindi naman napapakinabangan.

Aminado ang senador, na maging siya ay hindi niya nagamit ang subject na Trigonometry at Calculus kahit naging congressman pa siya at naging senador.

Maliban na lamang kung mag-e-engineer o kaya ay magsi-scientist ang isang estudyante ay maaaring i-require ang nasabing dalawang subjects.