Tanging ina ng aktor, laging nakabuntot

FOREVER ang pagiging mama’s boy ng aktor.

Teen star pa lang siya noon, lagi nang nakabuntot si mama kahit saan siya pumunta.
Pati pananamit niya, pinapakialaman ng kanyang tanging ina.

Sumikat siya kasabay ang kanyang ka-loveteam. Si mother dear, she’s still there to make pakialam sa career ng kanyang dearly beloved son.

Change is coming…
Kaya ang pananamit ni stage mudra, nabago rin. Nakisabay siya sa uso mula sa outfits pati sa cut & color ng kanyang hair.

Busy man si mommy, para pa rin siyang aso ng super-sunod sa kanyang amo.
Nagkakadyowa si actor pero nalo-lost agad dahil wah feel ni mama.

Itong si actor, gusto niya pala ng ganu’n para babaero kuno siya.
Nag-bold si ham actor. Aba nman, palaman Batman! Join force pa rin si mudra!

Kahit hirap na hirap si mudra sa paglalakad, wah siya care. Nandiyan naman ang junakis niya na laging nakaalalay sa kanya.

Tumanda na si aktor pero wala pa ring babaeng tumatagal sa pi­ling niya.
Kasi, si mama na nagpa-botox na, kapit-tuko sa kanyang ever dearest son.

Semi-La Ocean Deep na si actor pero si mama na nagpadagdag na ng nguso at nagpatambok ng cheek bone… andiyan pa rin!

Pakabit-kabit na lang si aktor sa mga babaeng may sabit na, itong si mudra… nasa eksena pa rin.

Hindi nawawala.

Parang anino.

Wooooooohhhhh!!!