Bilang pinakamataas na pinuno ng Philippine National Police (PNP), kailangan manatiling neutral at wala dapat kinikilingan si Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ukol sa nabunyag na ‘secret cell’ o isang napakaliit na kulungan na halos kasinlaki lamang ng aparador.

Sa halip na marinig sa bibig ni Gen. Dela Rosa­ ang mga salitang gaya ng: “Ito ay paiimbestiga­han natin” o kaya naman ay “Papanagutin natin ang mga taong nasa likod nito”.

Ang nakakadismaya sa naging pahayag ng na­sabing opisyal ay tila kinakampihan at kinukunsinte pa nito ang ginawang kabulastugan ng kanyang mga pulis sa Tondo kahit lumabag na ang mga ito sa karapatang pantao ng mga bilanggo.

Bilang isang PNP Chief dapat alam ni Dela Rosa ang batas tungkol sa human rights. At batid kong alam na alam ito ni General, dahil imposible namang hindi ito itinuro sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) noong siya ay isa pang kadete dito. Maliban na lamang kung siya ay ‘Skul Bukol’ sa PMA.

Gusto lang natin ipaalala kay Gen. Dela Rosa na ang isang kriminal habang hindi pa nililitis ang kanyang kaso sa hukuman, habang hindi pa napapatunayan ang kanyang pagkakasala at hindi pa siya hinahatulan ng korte, ito ay nananatiling inosente.

Naniniwala ako na alam din ni Gen. Bato ang mga salitang gaya nito: “A criminal remains innocent until proven guilty”. Kaya dapat lang na igalang ng mga pulis ang karapatang pantao ng isang tao, kahit siya ay isang adik.

Hindi natin kinakampihan iyong mga taong pi­lit na pinagkasya sa loob ng natuklasang secret cell. Gusto lamang natin ipaunawa, kailangan ta­yong lumagay sa lugar o inilalagay lamang natin sa tamang perspektiba, hindi tama at hindi makatao ang ginawa ng mga pulis sa Tondo.

Iyong sinabi ni Gen. Dela Rosa na “okey” lang daw sa kanya ang ganoong sitwasyon hangga’t hindi tino-torture ang mga bilanggo. Ang ibig bang sabihin dito ni Mr. General, kahit na parang mga hayop ang pagtrato sa isang bilanggo ay “okey” parin sayo basta’t hindi ito pinahihirapan?

Kung ang mga salitang narinig natin mismo sa bibig ni Gen. Dela Rosa ay parang may himig ng pagkiling o pagiging biased lalong magkaroon ng lakas ng loob ang ilang pulis na labagin ang karapatan ng isang akusado, kahit ito ay isang suspek pa lang. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)

13 Responses

  1. hoy rey marfil….,, tanggalin mo kasi ang iyong antipara at ng makita mo ang sitwasyon..nabubulag ka,… wala ng espasyo sa kulungan dahil sa mga mga demonyong kriminal…

    1. SANA TAYUNG MAKA-DUTERTE NA LANG ANG IKINULONG – SARAP LANG SIGURO KSE MAPUPUNO ANG KULUNGAN NG SIRA ULO NA KATULAD MO HEHEHEHE ..HEHEH

      1. sige ungas…simpatyahan mo yang mga kauri mong adik at asal hayop..kailan kaya kayo makakaintinde na ang shabu ay ilegal.. pvnyeta kang aso ka

      2. UNGAS NA ADIK PA AT ASAL HAYOP TLAGA TAYUNG MAKA-DUTERTE HEHEHEHEHE ..HEHEH
        HALIKA BATAK ULET TAYU NG SHABU AT FENTANYL PARA MAG-UGALING AS0 ULET TAYUNG MAKA-DUTERTE HEHEHEHE ..HEHEH PUNYETA KSE TAYU, DI BA? HAHAHAHAHAHAHA

      3. Nakikiduterte lang yang kupal na yan, ang totoo Aso yan ni Trillanes na tuta ng mga LP puro bitter hanggang ngaun di pa matanggap na si digong na ang pangulo.

  2. LASING NA LASING NA KSE SA KAPANGYARIHAN SI BATO DAHIL SA KAHI-HIM0D SA PWET NG AMO NAMING MAY SAYAD, SARAP NA SARAP SYA SA KATAS NG FENTANYL NA LUMALABAS SA PWET NI DIGONG …eewwwwwwwwww HEHEHEHE

      1. SWERTE NGA TAYUNG MAKA-DUTERTE KSE KAPAREHAS NATIN SI DIGONG NA SIRA ULO KAYA WALA TAYUNG HULI HEHEHEHE ..HEHEH

        HALIKA HINGI ULET TAYU NG SHABU AT FENTANYL KAY DIGONG ..HEHEH