Taong grasa nag-suicide sa MRT-3

Agad na nilimitahan ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-3 makaraang tumalon ang isang palaboy sa riles ng tren sa Barangay Urdaneta, Makati City kahapon nang hapon.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang biktimang tubong Sumi­sip, Basilan na kaagad na nasawi sanhi ng ma­tinding tinamong pinsala sa ulo at katawan makaraang mahulog sa inter-station ng Ayala at Buendia.

Ala-1:30 nang hapon nang maganap ang insidente dahilan para limitahan pansamantala ang operation ng tren mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard pabalik.

Ayon kay Col. Simon, ang wala nang buhay na katawan ng biktina ay natagpuan ng mga pulis at security personnel ng MRT-3 na nakahandusay sa riles na nakapuruntong short lang at walang damit pang-itaas at nasa 30-35-anyos.

Naibalik naman sa normal na operasyon ang MRT dakong alas-2:47 nang hapon makaraang maalis ang bangkay ng biktima at dinala sa PNP Crime Laboratory upang isalilalim sa autopsy.

Sa pahayag sa pulisya ng ilang testigo, swak sa riles ang biktima matapos tumalon sa may taas na halos 20-talampakan.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagwa ng pagsisiyasat ang pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (Armida Rico)