Tapik ni Lassiter, naglango sa gins

marcio-lassiter

Game 3 bukas: (MOA Arena, Pasay)
7:00 p.m. – San Miguel vs. Ginebra

Bitin ang rotation ng Ginebra, pinagbayad sila ni Marcio Lassiter at ng San Miguel Beer 104-102 sa overtime sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Inilayo ng Beermen ang PBA Philippine Cup semifinals sa 2-0, Game 3 ng best-of-seven series bukas, Martes, sa MOA Arena, Pasay.

Si Lassiter ang tumapik sa mintis ni June Mar Fajardo sa dulo ng OT para itakas ang panalo.

Pitong mandirigma ni Tim Cone ang hindi lumaro, may ‘DNP’ (Did Not Play) sa tabi ng mga pangalan nina Greg Slaughter, Mark Caguioa, Jett Manuel, Paolo Taha, Kevin Ferrer, John Wilson at Raymond Aguilar.

Dumistansiya sa 53-38 ang Gins sa second period at pumasok ng break na nasa unahan 55-42.

Sa loob lang ng first two quarters ay binura na ni Prince Caperal ng Ginebra ang dati niyang career-high na 12 points nang maglista ng 17 mula sa 7 of 12 shooting.

Natapos ang regulation sa 95-95 sa 3 ni Arwind Santos 14.4 ­se­conds na lang at napuwersa ang extra period.

Ang iskor:

SAN MIGUEL 104 – Fajardo 33, Lassiter 25, Cabagnot 13, Ross 13, Santos 11, Ganuelas-Rosser 7, Heruela 2, Pessumal 0, De Ocampo 0, Espinas 0.

GINEBRA 102 – Aguilar 28, Caperal 26, Devance 11, Thompson 10, Cruz 10, Tenorio 8, Mercado 7, Mariano 2.

Quarters: 25-30, 42-55, 70-73, 95-95, 104-102 (OT).