Nilaglag ng Mapua Cardinals ang defending champion Letran Knights matapos ilista ang 77-72 panalo kahapon sa Season 92 ng NCAA senior men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

May kartang 10-5 ang Cardinals na nasa pang-­apat na puwesto ng team standings, sigurado na sila sa playoff sa Final Four pero puwedeng dumiretso sa semifinals sakaling manalo ng isa sa tatlong natitirang laro.

Bigo ang Knights sa pagdepensa sa titulo dahil meron lang silang 8-9 baraha at isang laro na lang sila sa 18-game elimination round.

Umiskor si reigning Rookie-MVP Allwell ­Oraeme ng 21 points at 26 rebounds para sa Mapua na ungos nang bahagya sa nasa fifth spot na JRU Heavy Bombers (9-8).

Lumakas naman ang kapit ng Arellano University Chiefs sa liderato matapos boldyakin ang Jose Rizal, 79-68 sa pangalawang laro.

Nagtulong sina Kent Salado at Jio Jalalon sa opensa para itarak ang 13-3 card ng Chiefs at makasiguro ng playoff para sa twice-to-beat incentive sa top two finishers pagkatapos ng elims.

“The players were focused from start to finish,” ani Arellano U coach Jerry Codiñera.

Nagtala si Salado ng game-high 22 points, may 18 points at 11 assists si Jalalon.

Sa unang laro, napigil ang agarang sampa ng Perpetual na bumiyahe na sa Final Four nang silatin ng Lyceum, 64-61. Tengga sa 11-5 ang Altas, angat ang out na sa next round na Pirates sa 6-11.