Tapos na ang career ni The Beast!

Pinagpiyestahan sa ng mga netizen ang s­iraan at palitan ng maanghang sa salita ang mag-asawang sina Calvin at Sam Abueva nitong Linggo.

Ilan sa mga nagkomento naniniwala na ang kaganapan ay ugat sa katapusan ng karera sa basketbol ng isa sa pambato ng Phoenix Pulse sa Philippine Basketball Association?

Sari-saring reaksyon ang pinahayag at matutunghayan sa social media laban sa suspendidong basketbolista.

@Gerald Fuentes : “Is this is the end of abueva career?,” komento ng isang @Gerald Fuentes.

Dugtong ni @Michael Tirados: “End of career of THE BEAST!”

“Ikulong na yan dahil nananakit ng asawa, kawawa ang asawa niya,” dugtong ni @ferjohn calza: Dagdag ni @Geraldo Rea: “The Beast talaga pumapatol sa babae pati sa mga bakla.”

Umagaw eksena ang naging pasabog ng misis ni Abueva hinggil sa pananakit, pambabae at di aniya makataong trato ng kontrobersyal ngayong manlalaro.
Sinagot naman ang cager ang misis niyang si Sam na nagsisinunga-ling.

Minura pa nito ang asawa sa video at sabay sabing ‘may affair’ ito sa iba. (Aivan U. E­piscope