Magbabawas ng presyo ang gasolinahang SeaOil ngayong araw at inaasahan namang susunod nang magbaba ng presyo ang mga ibang gasolinahan bukas.

Ngayong alas-12:01 nang umaga, ibababa na SeaOil ang presyo ng diesel ng P.45 sentimo kada litro. Ang gasolina naman ay ibababa ng P.35 sentimo kada litro at kerosene na babawasan ng P.60 sentimos kada litro.

Sabi ng SeaOil kahapon, binababa nila ang presyo dahil bumaba din ang presyo ng petroleum products sa internatio-nal market.

“This is to reflect movements in the international petroleum market,” sabi ng SeaOil sa official Facebook page nito.

Sinabi naman UniOil noong Sabado na bababa ang presyo ng gasolina ngayong linggo at inaasahan nitong P.50 sentimos ang mababawas sa presyo ng diesel at P.40 sentimos sa presyo ng gasolina.

“Expect fuel prices to go down next week. Diesel should go down by P0.50 and Gasoline should go down by P0.40,” sabi ng Unioil noong Sabado.
Hindi pa nag-aaununsiyo ang ibang gasolinahan ng kanilang mga presyo ngayong linggo.

Tuwing Martes ng alas-sais nang umaga kadalasan nagpapalit ng presyo ang mga gasolinahan. Hindi na nila kailangang humingi ng pahintulot sa Department of E­nergy pero dapat pa rin nilang abisuhan ang kagawaran bago sila magpatupad ng pagpapalit sa presyo ng petrolyo. (Eileen Mencias)