Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon nito ng mga likas na yaman na talaga namang napakaganda at maipagmamalaki sa ibang bansa kung kaya’t maraming dayuhan ang ninanais na magpunta sa Pilipinas.
Sa Pampanga marami tayong makikitang mga magagandang tanawin at pasyalan na makalilibang. Malapit lang ito sa Metro Manila kaya medaling puntahan.
Ilan sa mga sikat na magagandang tanawin at pasyalan na makikita natin sa Pampanga, gaya ng karagatan, kabundukan, resorts, theme partk at iba pang mga pasyalan.
Puning Hot Springs
Ito ay matatagpuan sa Brgy. Sapang Bato sa Angeles City, Pampanga. May hot springs at dalawang heated pools. Mayroon ding sand spa at mudpack area na pwedeng makapag-relax. Ang putik na ginamit sa mudpack ay galing pa sa Mount Pinatubo.
Ito ay isang water theme park, resort and casino. Maaring mag-overnight o kahit magbakasyon ng ilang araw dahil sa mga villas o parang maliliit na bahay na pwedeng rentahan.
Bukod sa casino na mag-e-enjoy ang may mga edad na, marami pang ibang mapupuntahan at makikita dito. At siyempre naman di mawawala ang mga sikat na pools tulad ng Wave Pool na siyang pinapatok sa lugar. Kaya nitong gumawa ng anim na iba’t ibang klase alon na umaabot ng tatlong talampakan.
Mayroon ding Lazy River, malalaking slides, hot spring, Olympic size pool at water factory para sa mga kabataan.
The SandBox
Ito ay isang outdoor activity na pwede sa team building. Ang pinakasikat na attraction rito ay ang roller coaster zipline na may habang 180 meters at taas na 12 meters.
Ito ang pinakaunang roller coaster zipline sa bansa. Ang pinakamalaking swing sa bansa ay matatagpuan din dito. Marami pang attractions na kawiwilihan katulad ng Aerial Walk Challenge, Rock Climbing, at Rapelling.
Para sa mahihilig sa outdoor adventures punta na kayo dito para sa kakaibang adrenaline adventure.
Matatagpuan ito sa Porac exit ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX).
Dinosaurs Island
Sa lugar ay makikita ang life-size dinosaurs na minsan ay gumagalaw pa. Habang kayo’y umiikot sa lugar, magugulat na lang sa mga naka-costume at nanghahabol para `mangagat’.
May Fossil Museums kung saan may 4D experience at Jurassic Safari Ride. Sa Jurassic Safari Ride, mararamdaman mo na hinahabol ka ng mga animatronics dinosaur at akmang aagawin at kukunin sa loob ng sasakyan na umaandar.
Patok ang rides na ito sa mga mahilig sa dinosaurs lalo na sa mga bata na matutuwa sa dagdag na kaalaman tungkol sa mga sinaunang hayop sa ibabaw ng lupa.
Ang Dinosaurs Island ay makikita sa Clark Freeport Zone, Angeles City, Pampanga.
Poracay Resort
Nakaka-relax ang paligid ng island resort na may malalaking swimming pools at lagoon na pwede kang sumakay at magbangka sa halagang P150 per hour.
Mayroon din itong zipline para kakaibang adventure. Puwedeng mag-stay ng ilang araw sa villas. Planuhin na ang Christmas vacation kasama ang pamilya at pumunta sa mga tourist spots sa Pampanga.
Ang Poracay Resort ay matatagpuan sa Manibaug Pasig, Porac Pampanga.