Tara na’t mag-reunion!

Ber months na, siguradong mahaba na ang listahan ng family reunions at social gatherings.

Likas na sa a­ting mga Pilipino ang pagiging malapit sa pamilya. ‘Yung iba nga, sa iisang bubong pa nakatira para hindi magkahiwa-hiwalay.

Sure akong makaka-relate kayo kapag pinag-usapan na ang family reunions.

Sino ba ang makakalimot sa taunang tema ng damit na isusuot? Nariyan ang color-coded shirt per family, pajama party, Hawaiian-inspired clothing at iba pa.

Sa mga wala pa ring asawa, malamang hindi rin kayo nakatakas sa taunang tanong ng mga tito at tita, “Single ka pa rin? Oy matanda ka na.”

Karaniwan ding paraan ng kumustahan ay ang pagbibigay

komento sa pisikal na anyo ng bawat isa. “Ang taba mo!” o “Bakit ang payat mo? Para kang may sakit.” Imbes na tanungin ng “How are you?” o “What keeps you busy?”

Kung “in a relationship” ka naman, for sure, ‘di ka rin makakatakas sa mga tanong – “Kailan ka ikakasal?”

Siyempre, ang pinakaaabangan sa mga reunion – ang iba’t ibang putahe. May lechon, kare-kare, ini­haw na liempo at kung ano-ano pa na talaga namang katakam-takam.

Para lalong ma­ging masaya ang reunion, hindi nawawala ang parlor games. May trip to Jerusalem, newspaper dance, at iba pa. Ang simpleng “bring me”, talaga namang ina­abangan.

Masaya sana kung kumpleto ang bawat pamilya. Buti na lang may social media na ngayon. Ang mga picture, ipo-post na agad sa Facebook at IG. Kaya ang mga absent sa pagtitipon, para na ring naka-attend ng reunion.

Iba ang pamilyang Pilipino – walang kapares. Ang sa akin lang, take time to join fami­ly gatherings. Ibang magmahal ang pamilya. Kaya importanteng pahalagahan sila.