Na-road test ang depensa ng Boston sa Cleveland sa Game 3 ng Eastern Conference finals, at hindi maganda ang resulta.
Mismong Celtics, aminado na masagwa ang inilaro.
Hindi nila napigil si LeBron James na umiskor ng 27 sa 8 of 12 shooting, may 12 assists, five rebounds, two blocks at two steals sa 116-86 win ng Cavaliers na naglapit sa series sa 2-1.
Si Marcus Morris na kinabitan ng bagong trabaho bilang LeBron stopper, hindi nagampanan ang trabaho.
“I did a s**t job defensively on LeBron,” pahayag ni Morris pagkatapos ng praktis kahapon.
Lamang pa rin ang Boston, pero siguradong hindi papayag ang Cavs na basta na lang aagawin ang korona ni LeBron nang hindi lumalaban.
Si Celtics guard Terry Rozier, may pahabol din sa bisperas ng Game 4 ngayon.
“I feel like we needed this (loss) to get us back, to get us ready for Monday,” aniya. “We needed to get our butts whipped. Come back to reality and take care of business on Monday.”