Nasa tatlong kalalakihan naman ngayon ang patay sa muling pagsalakay ng vigilante group na Caloocan Death Squad sa lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng Northern Police District (NPD), ganap umanong ala-una ng madaling-araw nang mapatay sa loob ng kanyang bahay si Cerna Gaspar, 40-anyos sa Phase 9, Package 9, Block 107, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Nakahiga sa kanilang sofa sa sala ang biktima nang pasukin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na naka itim na bonnet at facemask at pinagbabaril. Agad ding nagsitakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Ganap namang ala-1:30 ng madaling-araw ng pagbabarilin at napatay ng tatlo armadong lalaki si Saidamen Patani Alexander, alyas Jam, 28, ng Durian Extension, Brgy. 178, Camarin ng nasabi ring lungsod.
Natutulog katabi ang kanyang kinakasama sa loob ng kanilang silid ang biktima nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin na agad nitong ikinasawi.
Habang ganap na alas-otso naman ng gabi nang patayin din ang isa pang biktimang si Fernando Toscano, 51, sa loob ng kanyang bahay sa Phase 9 Package 8 Block 81, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabi ring lungsod ng dalawang pareho ng diskripsyon ng mga naunang suspek. Pwersahan ding pinasok ang pamamahay nito at pinagbabaril na nauwi sa agarang kamatayan.
dapat lang ubusin mga salot na yan. naglipana mga adik at tulak sa caloocan. pulis pa nga protektor dyan.