Pinagtatalunan nga­yon ng mga netizen kung ‘porno’ o ‘art’ ang mistulang ari ng lalaki o ‘yellow dick’ na ipininta ni Ormoc City Mayor at aktor Richard Gomez na may pamagat na ‘Oooohh’.

Ang painting ni Gomez ay kasama sa mga naka-display na painting sa ginanap na ManilArt Exhibition sa SMX Convention Center sa SM Aura Premiere, Taguig.

Noon pang nakaraang taon nang makatawag sa atensiyon ng mga netizen ang nabanggit na painting­s ni Gomez na may imahe ng ‘ari’ ng lalaki.

Muli itong umikot sa social media nang gamitin ang photo ng painting sa kanyang Facebook account noong Oktubre 10. Ang nabanggit na post ay umani ng 35,000 reactions at may 11,000 comments matapos itong mabili sa halagang P196,000.

Ilang netizen ang nagkomento: “Bakit ang mahal? Nagba-vandal nga kami ng titi sa CR at armchairs at saka nagdo-drawing sa maalikabok na kotse, libre lang.”

Isa naman sa sumali sa exhibit ang nagsabing “hindi art yon kasi tang*** naman.”

May nagsabi pa sa Twitter ng “sagwa just wondering if nabili ba sya dahil “nagandahan” yung buyer sa painting itself, or just because it’s painted by Richard Gomez?”

Nilait din ito ng ilan at sinabing porno paintin­g ito at hindi umano art.
“Even my 8-year-old brother can paint that dick but it won’t sell for a shit because it’s not made by a famous persona.”

“TITING DILAW: Why is Richard Gomez’s “OOOOHH” sold at Php196k, while penis sketches at bathroom walls worth nothing?”

May nagsabi pa na maliwanag na gina­gamit lamang ni Gomez ang kanyang painting para kumita at hindi dahil para sa art. Ang kanya umanong gawa ay walang originality. Hindi siya artist at ang kanyang painting ay isang pang-iinsulto sa mga tunay na larangan ng sining. (Juliet de Loza-Cudia)