Ilalatag ng binuong Task Force Bangon Marawi ang plano ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos ang pag-atake ng Maute-ISIS terror group.
Gagawin ang paglalatag sa forum na gaganapin ngayong araw sa Conrad Hotel, ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar .
Sa nasabing forum ay ipapaliwanag sa publiko ng mga kinatawan ng pamahalaan kung paano ang gagawing rehabilitasyon sa Marawi gamit ang P20B na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga haharap sa forum ang Department of National Defense (DND), Department of Public Works and Highways (DPWH), Office of the Cabinet Secretary, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Andanar, ipiprisinta ng lahat ng member agency ang kanilang plano para sa pagbangon ng Marawi sa mga susunod na buwan.
Sigurado palpak ito dahil si Andanar ang may pakana..