Bumuo na ang Quezon City Police District (QCPD) ng special investigation task force para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pamamaslang sa isang opisyal nito na pinagbabaril ng riding-in-tandem noong Biyernes nang gabi.
Blangko pa ngayon ang mga imbestigador ng QCPD sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay kay Inspector Romeo Nicolas Tandas, 49-anyos.
Pero sisiyasatin umano kung may kinalaman ang pagpaslang sa kanyang trabaho bilang alagad ng batas at kung may nasagasaan itong maimpluwensiyang personalidad.
Nabatid na dating opisyal ng District Anti-Illegal Drug ang biktima.