‘Tatawanan ko na lang kayo’ – Bugoy Cariño

ej-laure-bugoy-carino

Umalma ang volleyball player ng UST na si Ej Laure tungkol sa kumakalat na balita na diumano’y nabuntis siya ng dating Goin’ Bulilit actor na si Bugoy Cariño.

Trending kasi ito sa social media at pinangalanan na sila.Nagsimula ito sa mga blind item nang mawala si Bugoy Cariño sa “It’s Showtime” bilang miyembro ng Hashtags.

Mababasa sa Facebook Page ni EJ.

“Ewan ko ba kasi talaga sa trip nyo. Basta ako I’ve been enjo­ying my life and resting my shoulder for S81 been living nice and simple then makakabasa ako ng kung anu-ano? Just to end everything “wala akong control sa isip nyo kasi may kanya kanya tayo” Godbless nalang ❤”

PS: December buntis daw ako tapos January buntis din ako tas March buntis na naman? Jusko 3 months na akong naging buntis so triplets pala to?”

May tweet din si Bugoy Carino na hinihinalang reaksyon niya sa trending na buntis isyu.

“HAHAHAHAHA! tatawanan ko nalang kayooooo.”

Makulit pa rin ang ilang netizens at nag-comment ng “Sagutin mo na lang kasi if totoo or hindi para matapos na. Di lang reputasyon mo nakasalalay dito. Pati sa gf mo…if kayo pa rin.”

May kumampi rin kay Bugoy : “He doesnt owe anyone an explanation. Kayo ba nanay niya? Kayo ba nabuntis niya? Bat feeling entitled kayo sa buhay niya”

Sinundan pa ni Bugoy ng tweet na “Chill chill lang” lang habang nasa swimming pool.”

Boom!