Tatay ng aktor, magulong kausap

WALEY: Hindi ako makapaniwala sa balitang ito. All along kasi, akala ko, walang problema at maaliwalas katrabaho ang mga artistang ito.

Gaano katotoo na medyo mahirap kausap ang tatay ng aktor at meron itong mga schedule na isinisingit nang hindi alam ng handlers nito?

Pati ang kapartner na girlfriend nito ay damay rin, kaya ayun, medyo apektado ang trabaho at medyo hindi maganda ang resulta ng pagtanggap ng tao sa kanila sa TV lately.

Problematic din ang staff ng show nila dahil bigla na lang nagka-cancel ng taping at umaasang may ipapalit na date sa nabakanteng taping sked, pero waley.

Nganga tuloy ang staff kaya kambyo sila nang kambyo sa istorya na parang naghihirap kapitan ng mga tao.

Pero bakit kaya hindi ito masawata ng mga magulang? Or ok lang ito sa kanilang parents?

At heto pa ang nakaabot sa aking tanong — totoo bang nagli-live in na rin itong tandem na ito sa bahay ng lalaki?

Clue: hindi ito sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, ha?

Malayo sa kanila.

***

Ryan Agoncillo
Ryan Agoncillo

HAVEY: Medyo nakakalungkot ang pagtatapos ng Ismol Family dahil sabrang gamay na nila ang isa’t isa sa produksyon at steady ang viewers at advertisers nila.

Napaka-efficient na ng sistema nila at nakakadalawang episode sila sa isang taping day at natatapos nang maaga.

Naipahayag na nina Carla Abellana, Carmi Martin at Ryan Agoncillo ang kanilang sentimiyento tungkol dito sa kanilang social media accounts at umaasang makakabuo ulit sila ng magandang show at samahan sa susunod nilang projects.

Ang maganda niyan ay mukhang hindi mababakante si Ryan dahil malapit nang magsimula ang Season 2 ng kanyang game show sa AXN Channel na Cash Cab.

Mas malaki, mas masaya, mas exciting ang bagong season.

Mas star-studded, mas varied ang contestants, at may mga bagong elements sa programa.

Sabi ni Ryan, “Ito pa rin ang pinakamahirap na hosting job na ginampanan ko. Imagine mo na nagho-host ka ng quiz show na dapat matalas ang isip mo, pumipindut-pindot ng mga ilaw-ilaw at sound effects, nakiki­pag-usap at joke sa mga pasahero, nagbibilang ng pera na papremyo at nagda-drive pa.

“Ako na ang hari, hindi ng kalsada, kun’di ng multi-tasking.”

At dahil nagbukas ang kanyang schedule, tinanong namin si Ryan kung open siya sa paggawa muli ng teleserye.

“Basta maayos ang schedule na parang Ismol Family, ok ako,” sabi niya.

Ang huli niyang pag-arte pa sa teleserye ay noon pang My Husband’s Lover at siya ang gumanap ng nagbabalik na love interest ni Carla Abellana.

“It’s been a long time na pala since then, basta ba maganda at markado ang role at ok ang sked at mga kasama lalo na kung AlDub pa ‘yan — dahil pareho halos ang mga schedule namin, game tayo diyan!” excited na sagot ni Ryan!

Why not AlDub, ‘di ba?

Ano na ba ang nangyari sa planong teleserye nila?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.