Hindi lang ang mga batang kriminal ang paparusahan kapag naipasa ang panukalang batas na ibaba sa 9-anyos ang criminal liability kundi ang kanilang magulang partikular na kanilang Tatay.

Ito ang iginiit ni Anac-IP party-list Rep. Jose ­Panganiban Jr., sa panukalang batas na isinusulong ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na nakapaloob sa kanyang House Bill No.2.

Ayon kay Panganiban, kung talagang nais ­umano ng gobyerno na mabawasan ang mga batang ­gumagawa ng krimen ay dapat isama ang kanilang magulang sa mga paparusahan.

Sinabi ni Panganiban na ang layon ng ­panukala ni Alvarez ay dahil ginagamit na ng mga ­sindikato ang mga bata sa criminal activities dahil alam ng mga ito na hindi mapaparusahan ang mga bata sa ­kasalukuyang batas.

Sakaling ang kasalanan umano ng bata na edad 15-anyos pababa ay nang-rape ay dapat aniyang arestuhin din ang kanilang tatay at kasuhan ng rape ­kasama ang kanilang anak.