Maging ang ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, Sr. o kilala bilang Daddy Bae ay sumawsaw na rin sa init ng “Law of Classroom” ni Kim Chiu.

Nag-TikTok si Daddy Bae sa saliw ng LOC ni Kim na ginawang kanta ng mga video editor. Nakasuot ng white-polo at white shorts si Daddy Bae, baseball cap habang nakasabit sa harap niya ang ID at sa likod naman ay backpack.

Karakter ng isang estudyante ang pinu-portray ni Daddy Bae sa TikTok niya. Nakapuwesto sa likod ng pintuan ang tatay ni Alden habang sinasabayan nito ng pagli-lip sync ang naimbentong kanta ni Kim na “Bawal Lumabas”.

Sa huling linya ng kanta na puwede na raw lumabas, binuksan ng tatay ni Alden at pinto, na siya ring ending ng kanta na “Puwede Nang Lumabas”.

Nagbigay aliw sa kanyang mga follower ang posting na ito ni Daddy Bae. Sinasabi ng mga fan niya na siya ang kabaligtaran ni Alden sa social media. Si Alden ay laging serious samantalang si Daddy Bae ay puro kabaliwan. (Rey Pumaloy)